Sa amin
No.2 Humabon Street, Kingsville Subdivision, Antipolo, Rizal. Ano na kaya ang itsura? May lubak pa ba sa entrada ng gate 3? Yung iniiwasan ko tuwing pumapasok ako sakay ang aking coche? Anjan pa kaya yung 'Walk-In Foodmart' na bukas hangang gabi, na nagbebenta ng masarap na halo halo pag dating ng tag-init? P10.00 pa kaya ito? Pagpapunta sa bahay namin, wala parin bang laman yung mga 'empty lots' sa Napolen Street? Marami pa ba kayang mga tribike? Nadagdagan na kaya ng mga matutulis na hump yung mga kalsadang papunta sa amin? Tama pa ba yung mga nakabisado ko hanggang ngayon na pag-kanan ko sa isang kalye, kailangan nang apakan yung clutch at itanggal sa gear yung 'gear stick' at huminto kasi merong hump agad. Tapos tuloy tuloy hanggang bahay, hindi ko na kailangan pagisipan, natural na ang galaw ng aking kamay at paa sapagmaneho. Pagdating sa bahay, malamig ang hangin, at dinig yung mga aso. Bubuksan ng daddy ko yung gate at papasok ako. Yung pintuan namin, malaki, at 'natural wood' color, na may mga 'square' na molding. Pagpasok, ramdam ang hangin na galing sa 'galeria' o lanai na parating nakabukas. Iiwan ko yung susi ng kotse sa cahon at papasok ako sa kwarto ko. Iiwan ko yung bag ko sa sahig, sa paanan ng kama. Ganun parin ba kaya yung bahay, pareho nung umalis kami? May tunog yung electic fan pag nakabukas, malamig ang bedsheet paghiga sa kama, at meron kang inaabangan na palabas sa TV, tawag ng isang kaibigan hanggang a las 4 ng umaga paminsan.
Ano kaya?